Categories
Uncategorized

Nakakatulong nga ba ang mga traffic enforcers para maiwasan ang traffic sa lugar ng sta. Maria bulacan?

Isa sa malaking problemang kinakaharap ng mga taga Sta. Maria ay ang mahahabang traffic. Maraming residente ng Sta. Maria ang apektado dito kabilang na rin ang mga estudyante na kinakailangang pumasok ng maaga sa paaralan.

Maraming tao ang nagsasabi na mas nagkakaroon ng traffic kapag mayroong mga traffic enforcers na naka duty.

Isang traffic enforcer ang aking nakapanayam kung ano nga ba ang dahilan ng pagkakaroon ng traffic kung may naka duty ba na traffic enforcer o wala sa Sta. Maria. Ayon kay Richard Valerio “Yan yung tingin ng iba na kapag may traffic enforcer na naka duty eh mas nagkakaroon ng traffic”.

Nakapanayam ko din ang chairman ng traffic management unit at ayon sa kanya “Kaya nagkakaroon ng traffic dito sa Sta. Maria ay dahil sa dami na din ng mga sasakyan”.

Yan ang mga naging pahayag ng traffic enforcer at ng chairman ng traffic management unit upang ipaalam sa mga motorista at commuters kung bakit nagkakaroon ng traffic sa bayan ng Sta. Maria.

Categories
Uncategorized

STORY OF VICE GANDA


Si Vice Ganda o Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay ang isa sa mga hinahangaang komedyante ngayon ng masang Pilipino.Bukod sa pagiging komedyante, siya ay isang magaling na aktor, recording artist, television host at author. Siya rin ang kauna-unahang gay endorser ng malalaking produkto sa Pilipinas. Isinilang noong March 21,1976 sa Tondo, Manila. Siya ay bunso sa limang magkakapatid at lumaki sa Jose Abad Santos Street sa Manuguit, Tondo, Manila. Ang kanyang yumaong ama ay naging Kapitan ng Barangay samantalang ang kanyang ina na isang Ilokana at caregiver naman sa abroad. Siya ay nag-aral sa Far Eastern University at ang kanyang kinuhang kurso ay Political Science.

Si Vice Ganda ay unang nakilala bilang stand-up comedian. Siya ay napapanood sa punchline kung saan madaming mga taga showbiz ang nakakapanood sa kanya.Among the stand-up comedians si Vice ang madaling makakuha ng atensiyon ng mga manonood. Madali kasi siyang makapag-isip ng mga ibabatong jokes sa kanyang kapwa-standup comedian.

Ang pagpasok niya sa It’s Showtime bilang regular judge ang nagbigay sa kanya ng malaking break para mas higit na hangaan at kilalanin sa industriya.
Bukod sa It’s Showtime ay meron na rin siyang sariling Sunday talk show ang Gandang Gabi Vice. Nagsimula rin siyang maging isa sa mga judges ng Pilipinas Got Talent noong 2016. At sa kasalukuyan ay muli siyang naging parte nito bilang hurado.

Pinatunayan naman ni Vice Ganda na hindi na niya kailangan pang ipangalandakan ang kanyang pagiging bukas palad sa mga nangangailangan dahil gusto lamang niya ibahagi ang blessings niya sa mga nangangailangan din ng tulong.

Hindi siya perpekto bilang artista at bilang tao subalit hindi natin maitatanggi na ang husay niya sa kanyang larangan ay tunay na nakapagpapasaya sa maraming tao. Kaya naman patuloy siyang hinahanggan at minamahal ng kanyang mga tagahanga.
Categories
Uncategorized

AN EYE FOR AN EYE, A LIFE FOR A LIFE

Ctto facebook.com/pg/dfaphl


Hustisya ang hiling ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagkamatay umano ng isang pinay sa amo niyang babae sa kuwait. Pinukpok daw sa kaniyang ulo ang biktimang si Jeanelyn Villavende ng Nuralla, South Cotobato. Kaya’t nais rin niyang makuha ang ulo kuwaiti employer na gumawa nito sa Pinay, ito ang ani ni locsin.

“The friendship between your country which gives our people the jobs they cannot find at home and our people whose faithful service make the life of your people easier depends on justice being done the murdered maid” turan ni Locsin sa kuwaiti ambassador na si Musaed Saleh Ahmad Althwaikh. “An eye for an eye, a life for a life”, matabang pang tugon ni Locsin na pinatawag pa ang nasabing ambassador para iparating ang galit ng gobyerno.
Categories
Uncategorized

The Journey Begins

Thanks for joining me!

Good company in a journey makes the way seem shorter. — Izaak Walton

post

Design a site like this with WordPress.com
Get started